BLOGGER TEMPLATES AND TWITTER BACKGROUNDS

Miyerkules, Marso 9, 2011

Nasa Mabuting Kamay


Tumatakbo ang oras, hindi namamalayan 
Kumilos ka kapwa ko kabataan
Pangarap mo ay iyong isakatuparan
Tulad ng bangka, iyong isagwan.

Lagaslas ng tubig iyong labanan
Dagundong ng kulog ay huwag katakutan
Iilan lang yan sa iyong dapat lagpasan
Para ito sa iyong kinabukasan

Ang landas mo ay iilawan at gagabayan 
Pangako di ka Niya pababayaan,
Para loob mo'y di panghinaan,
Maniwala sa iyong kakayahan 

Mararating mo ang iyong patutunguhan  
Basta't magtiyaga ka lamang kaibigan 
Isang libong pagsubok man yan
Sa Kanya, meron kang kalalagyan.

0 (mga) komento: